inilagay ka sa aking dibdib
nang wala akong pahintulot
tumibok kang kusa
ako'y nagpaubaya.
nang ako ay musmos
sa pagtakbo'y humahangos
anong bilis iyong tibok
yaring dibdib sobrang kabog.
sa pagdadalaga
nanatili kang kasama
ayan si crush! anong kaba!
di ako pinansin... bakit piniga ka?
umibig naman ako
ang panibago mong tudyo
kay saya ngang magmahal
minsan ako'y hinihingal.
ngunit bakit nga ba puso,
ika'y biglang nanibugho!?
pilit kinalimutan ang pangako
patuloy kang naniphayo...
isinara ka na
nang muli mo syang makita
muli kang sumigla
sumikdo, tumawa.
pakiusap puso
magtino kang pilit
sa 'yong mga hirit
ako'y namimilipit.
hay puso! ano ba talaga?
bakit may saya?
bakit may problema?
bakit may nararamdaman ka pa?