sinamahan
pinatawa
minahal.
di kita mahal
wala ni sa hinagap
kaibigan lang kita
barkada, kuya.
nasaktan ka alam ko
lumayo.
di nagpakita
alam ko -
mahal mo pa din ako.
magkalayo na nga tayo
ako naman ang naghanap
nalungkot.
nangulila.
nagdasal...
sana'y kasama ka.
mahal pala kita
pero huli na ang lahat
san kita makikita?
pano kita makakausap?
naghintay ako
matagal na panahon
umasang isang araw
magkakatagpo tayong muli.
di ako nagkamali
hinanap mo ako
ngunit patawad
pag-aari na ako ng iba.